
Sa episode ng Abot Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, September 26, nagdiwang ang lahat dahil sa wakas ay nakapagtapos na ng pag-aaral ang anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) na si Analyn (Jillian Ward).
Sa kabila ng kahirapan, naabot ni Lyneth ang kaniyang pangarap simula noong siya ay bata pa lamang.
Sunud-sunod na pagsubok man ang pinagdaanan nila ng kaniyang ina na si Lyneth, hindi sila nagpatalo sa mga ito at sa halip ay nagpatuloy sila sa pagsisikap.
Mula sa pagiging henyong bata hanggang sa maging isang accelerated student, ngayon ay graduate na si Analyn.
Nagtapos si Analyn bilang valedictorian, at sa mismong araw ng kaniyang graduation nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagsalita sa harap ng maraming tao upang ibahagi ang mga naging susi sa nakamit niyang tagumpay.
Ilan sa mga salitang binitiwan ni Analyn ay “Si nanay ko ang inspirasyon ko…”
Panoorin ang graduation speech ni Analyn sa full episode na ito:
Matatandaang napilitang huminto noon si Analyn bilang isang grade 3 student dahil kapos sila sa pera.
Sa tulong ng scholarship na inilaan ng kaibigan ni Michael (Dominic Ochoa) para sa kaniyang anak-anakan na si Analyn, muling itong nakabalik sa pag-aaral hanggang sa nakatapos na ito.
Patuloy na subaybayan ang buhay nina Lyneth at Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: