
Napanood n'yo ba ang latest episode ng hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap?
Matapos makaligtas mula sa mga armadong lalaki na dumukot sa kanila, nakabalik na sa APEX Medical Hospital sina Dra. Analyn (Jillian Ward), Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke (Andre Paras).
Matatandaang dinukot ang tatlong doktor habang sila ay nasa isang medical mission.
Pinahirapan at inutusan sila ng mga armadong lalaki na na gamutin ang mga kasamahan nilang sugatan dahil sa isang engkwentro.
Bukod pa rito, ilang beses na binugbog ng kidnappers si Dr. Luke.
Sa episode ng serye na ipinalabas kahapon December 26, 2022, tampok ang nakaaantig na pagbabalik nina Dra. Analyn, Dra. Zoey, at Dr. Luke sa APEX Medical Hospital.
Ang tatlong doktor ay sinalubong ng kanilang mga katrabaho at pati na rin ang kani-kanilang pamilya.
Hindi maikakaila na lahat ay nagbubunyi dahil ligtas pa ring nakabalik ang mga doktor kahit na matindi ang kanilang mga pinagdaanan.
Panoorin ang makabagbag-damdaming pagbabalik nina Dra. Analyn, Dra. Zoey, at Dr. Luke sa APEX Medical Hospital sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ang video DITO.
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST TALKED-ABOUT SISTER MOMENTS NINA DRA. ANALYN AT DRA. ZOEY SA GALLERY SA IBABA: