
Simula sa Biyernes, March 8, mas maaga nang mapapanood ang dalawang top-rated series ng GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay Na Pangarap at Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Mapapanood na tuwing 2:00 p.m. ang Abot-Kamay Na Pangarap at susundan ito ng Lilet Matias, Attorney-At-Law tuwing 3:00 p.m.
Sa Abot-Kamay Na Pangarap, kaabang-abang kung ano pa ang madidiskubre ni Lyneth (Carmina Villarroel) tungkol sa kanyang asawa na si Carlos (Allen Dizon). Hindi rin dapat palampasin ang susunod na mga eksena ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn (Jillian Ward).
Sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, malaman kaya ni Lilet ang tunay niyang pagkatao ngayong nakatira lang siya sa iisang bahay kasama ng kanyang tunay na ama?
Abangan ang kapanapanabik na eksena ng Abot-Kamay Na Pangarap at Lilet Matias, Attorney-At-Law sa GMA Afternoon Prime.