
Sa pagpapatuloy ng GMA inspirational-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, iba't ibang kuwento ng mga pasyente ang natutunghayan ngayon ng mga Kapuso.
Habang si Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) ay nakatutok sa kaniyang pasyente na si Bea (Arny Ross) na dating kabit ng kaniyang asawa, si Dra. Analyn (Jillian Ward) naman ay may bagong pasyente.
Ang pasyente ngayon ni Dra. Analyn ay si Mang Obet, ang lalaking nasabugan ng paputok sa kanang braso, na ginagampanan ngayon ng komedyanteng si Betong Sumaya sa serye.
Ang Sparkle artist naman na si Zonia Mejia ay kasalukuyang napapanood dito bilang si Jemily, ang anak ng karakter ni Betong.
Dahil delikado na ang kondisyon ng lalaki, kinakailangang putulin na ang braso nito upang maisalba pa ang kaniyang buhay.
Kahit na ipinaliwanag na ng ilan sa APEX doctors ang dapat gawin, tila ayaw pa rin ni Mang Obet na putulin ang kaniyang braso dahil sa pangamba na hindi na siya makakapagtrabaho kapag natuloy ang operasyon.
Bukod sa pinagdadaanan ni Mang Obet sa kaniyang katawan, mayroon din palang malalim na iniisip ang lalaki tungkol sa kaniyang anak na si Jemily.
Ayon sa lalaki, nasasaktan siya dahil sa pakikitungong ipinapakita ng kaniyang anak sa kaniya.
Matapos makarinig ng ilang payo mula sa genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn, pumayag na si Mang Obet na putulin ang kaniyang braso.
Samantala, panoorin ang full episode na ito na ipinalabas kahapon, January 3, 2023:
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: