GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Carlos, kasama ni Analyn sa mga mago-opera kay Lolo Pepe

By EJ Chua
Published December 18, 2023 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS: Magnitude 5.4 earthquake hits Bogo, Cebu
P82M smuggled cigarettes seized in Mindanao during Holy Week
Medium Rare 'Kaleidoscope' takes over Manila on May 9

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap


Mabuti kaya ang intensyon ni Doc Carlos kay Lolo Pepe sa pagsama niya sa operasyon nito sa 'Abot-Kamay Na Pangarap?'

Sa pagpapatuloy ng istorya ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, lalong tumitindi ang mga eksena ng mga karakter sa serye na mayroong kanyan-kanyang sikreto.

Kabilang sa mga ito ang salbaheng mag-ina na sina Moira (Pinky Amador) at Zoey (Kazel Kinouchi) na magkasabwat sa pagdukot kay Lolo Pepe (Leo Martinez).

Sa previous episode ng serye, natunghayan na nahulog si Lolo Pepe sa bangin habang nagtatalo sila ni Zoey.

Kasunod nito, to the rescue si Doc Carlos (Allen Dizon) para pagaanin ang loon ng kanyang anak na si Zoey kahit na may kasalanan ang huli.

Sa bagong episode nito, matutunghayan na ooperahan si Lolo Pepe sa Eastridge Medical Hospital.

Isa si Doc Carlos sa mga makakasama ni Doc Analyn (Jillian Ward) sa operasyon.

Ano kaya ang mangyayari kay Lolo Pepe?

May maitutulong ba si Doc Carlos sa matanda?

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: