GMA Logo Richard Yap and Jillian Ward
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Confirmed! Anak ni Doc RJ si Dra. Analyn

By EJ Chua
Published October 26, 2022 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring cloudy skies, rain over parts of PH
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap and Jillian Ward


Napanood n'yo ba ang reaksyon ni Doc RJ nang makita niya ang resulta ng DNA test? Panoorin DITO:

Isa sa mga inabangan ng mga manonood sa Abot Kamay Na Pangarap ay ang eksenang malalaman na ni Doc RJ (Richard Yap) kung anak ba niya si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Sa katatapos lang na episode ng serye na #DNATest, sinabayan ng mga Kapuso si Doc RJ sa paghihintay ng resulta ng DNA test na isinagawa upang malaman ng doktor kung siya ang ama ng anak ni Lyneth (Carmina Villarroel).

Dahil hindi siya mapakali, minabuti niyang gawin ito upang malaman ang totoo tungkol sa ama ng batang doktor.

Matapos ang paghihintay, nakumpirma ni Doc RJ na siya ang tunay na ama ni Dra. Analyn.

Matatandaang sa isang event ng APEX Medical Hospital, nalaman ni Lyneth na si Doc RJ pala ang asawa ng amo niya na si Moira.

Kasunod nito, agad niyang inutos kay Analyn na mag-resign na sa ospital upang mailayo ito sa tunay niyang ama.

Dahil sa patuloy na pag-iwas ni Lyneth, gumawa na ng paraan si Doc RJ upang malaman ang buong katotohanan.

Panoorin ang mga eksenang ito:

Kailan kaya sasabihin ni Doc RJ kay Dra. Analyn ang kaniyang nalaman?

Matatanggap ba ng batang doktor ang katotohanang matagal na itinago sa kaniya ng kaniyang ina?

May oras pa kaya para makabawi si Doc RJ sa kaniyang anak?

Abangan ang mga kasagutan mamaya at sa susunod pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap!

Patuloy na subaybayan ang programa, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: