
Sa nakaraang episode ng Abot Kamay Na Pangarap, pinagtripan na naman ni Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Nag-imbento si Zoey ng isang letter na kunwari ay si Dr. Luke (Andre Paras) ang nagsulat para kay Dra. Analyn.
Dahil buong akala ni Analyn ay may gusto sa kaniya si Dr. Luke naniwala ito sa nakasulat sa letter at umasang gusto siyang makausap nito nang sila lang dalawa.
Nang makarating siya sa meeting place na nakasulat sa letter na kaniyang natanggap, doon niya naabutan na hinalikan ni Zoey si Luke at napagtanto niyang napagtripan na naman siya.
Mismong si Luke ay nagulat dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari.
Pag-alis ni Analyn, hindi na niya napigilan na pagsalitaan at sermonan si Zoey dahil sa sunud-sunod na pambu-bully na ginagawa nito sa batang doktor.
Sabi ni Dr. Luke kay Zoey, “Alam mo, Zoey okey ka sana I kinda like you, you're hardworking, smart, pretty, pero isa kang malaking red flag dahil sobrang bully mo. Next time, be nicer to Analyn, mabuti siyang tao.”
Panoorin ang mga eksenang ito:
Analyn got caught in a love affair?
Talo ng mabait ang maganda, Zoey
Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.
Kung gusto n'yo namang balikan ang previous episodes ng Abot Kamay Na Pangarap bisitahin lamang ang link na ito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: