
Patuloy na hinahangaan ng mga manonood ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa trending na afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa episode ng serye nito lamang Lunes, May 15, napanood kung paano niya nasagip ang buhay ng pinakauna niyang pasyente sa Eastridge Medical Hospital.
Matatandaang habang kausap ni Doc Analyn ang kanyang pasyente na si Mico (Michael Sager), bigla na lamang tumirik ang mga mata nito, nawalan ng pulso, at nag-flat line na ng mga oras na iyon.
Kasunod nito, agad na inaasikaso ng batang doktor at ng isang nurse si Mico hanggang sa dumating si Doc Lyndon (Ken Chan) at ang nanay ng pasyente.
Nang malaman ni Doc Lyndon na halos tatlumpung minuto nang sinusubukang sagipin ni Doc Analyn si Mico, pinipigilan na niya ito sa pag-CPR.
Kahit ilang beses siyang sinubukang pigilan ni Doc Lyndon, hindi siya nakinig dito at hindi siya sumuko sa pagsagip sa buhay ni Mico.
Makalipas ang ilang minuto, nagtagumpay si Doc Analyn at tila hindi makapaniwala ang lahat na muling nagkapulso si Mico.
Kasunod nito, inutos na niya sa kanilang nurses ang mga susunod na dapat gawin sa kanilang pasyente.
Tila napahanga ni Doc Analyn ang lahat dahil sa nangyari.
Panoorin ang eksenang ito:
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: