
Sa episode ng GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap na mapapanood ngayong Huwebes, June 8, kaabang-abang ang mga eksena nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc Carlos (Allen Dizon).
Dahil sa naging desisyon ni Lyneth na unti-unti niyang babaguhin ang kanyang sarili, tila labis ang pag-aalala ni Doc Carlos sa kanya.
Natatakot ang doktor sa posibilidad na mapahamak si Lyneth sa plano nitong paghihiganti kay Moira (Pinky Amador).
Ilang beses na pinagsabihan ni Doc Carlos si Lyneth ngunit desidido na si Lyneth na makipagkampihan kina Madam Giselle (Dina Bonnevie) at Lolo Pepe (Leo Martinez).
Sa bagong episode ng serye, matutunghayan na muling kakausapin ng doktor si Lyneth at tila may aaminin ito sa huli.
May pag-asa kaya si Doc Carlos kay Lyneth?
Nagsimulang maging close sina Doc Carlos at Lyneth, nang ma-confine sa Eastridge Medical Hospital ang huli dahil sa kasamaang ginawa ni Moira.
Si Lyneth ang mapagmahal at mapagkalingang ina ng genius at young doctor na si Doc Analyn (Jillian Ward).
Mapapanood din sa bagong episode ang ilang eksena nina Doc Analyn at Doc Lyndon (Ken Chan).
Narito ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Huwebes:
Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: