GMA Logo Pinky Amador, Kazel Kinouchi, and Ken Chan
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Lyndon's life is in danger!

By EJ Chua
Published September 20, 2023 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador, Kazel Kinouchi, and Ken Chan


Ano kaya ang mangyayari sa karakter ni Ken Chan sa #AbotKamayNaPangarap?

Isang buhay na naman ang malalapit sa kapahamakan sa GMA's top-rating medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong Miyerkules, September 20, makakatanggap ng pagbabanta si Doc Lyndon Javier (Ken Chan) mula kay Doc Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).

Si Doc Lyndon, ang isa sa mga nakakaalam ng tungkol sa tunay na pagkatao ni Doc Zoey.

Matatandaang narinig niya noon na si Doc Carlos ang tunay na ama ni Doc Zoey at hindi si Doc RJ (Richard Yap).

Sa previous episodes, natunghayan na ilang beses sinubukan ni Doc Lyndon na ipaalam kay Doc Analyn (Jillian Ward) ang matinding sikreto nina Doc Carlos at Doc Zoey.

Napanood din na ilang beses na nagpahapyaw si Doc Lyndon sa batang doktor tungkol pagiging magkapatid ng huli at ni Doc Zoey.

Sa bagong episode, kaabang-abang kung ano ang gagawin ni Doc Zoey upang manatiling tahimik si Doc Lyndon tungkol sa kanyang nalalaman.

Samantala, malalalaman na ni Moira na may alam si Doc Lyndon tungkol sa kanilang sikreto.

Ano kaya ang masamang binabalak niya kay Doc Lyndon?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: