GMA Logo abot kamay na pangarap recap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ, aamin na kay Dra. Analyn?

By Abbygael Hilario
Published November 15, 2022 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap recap


Plano ni Doc RJ, matutuloy kaya? Abangan 'yan mamaya sa 'Abot-Kamay Na Pangarap!'

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, na mapapanood ngayong araw, November 15, kaabang-abang kung matutuloy ang pag-amin ni Doc RJ (Richard Yap) sa kaniyang anak na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Sa kagustuhan niyang hindi maunahan ni Michael (Dominic Ochoa), gagawa na ng paraan si RJ upang siya mismo ang magsabi ng buong katotohanan sa kaniyang anak.

Inimbitahan niya si Dra. Analyn na makipagkita sa kaniya upang makausap niya ito tungkol sa isang napakahalagang bagay.

Habang nag-uusap, tila napansin ng batang doktor ang labis na kaba ng kanilang medical director.

Makalipas ang ilang segundo, tila nagkaroon na ng lakas ng loob ang doktor upang sabihin ang isang sikreto.

Nang sasabihin na ni Doc RJ ang katotohanan na sila ay mag-ama ni Analyn ay bigla namang darating ang isa pa niyang anak na si Zoey (Kazel Kinouchi).

Malalaman din ba ni Zoey ang sikreto ng kaniyang ama?

Ano na naman kaya ang maririnig ni Dra. Analyn mula sa doktor na bully?

Matutuloy kaya ang planong pag-amin ni Doc RJ?

Panoorin dito ang mga dapat abangan sa serye mamaya:

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga kaganapan sa hit inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye DITO.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: