GMA Logo Richard Yap, Carmina Villarroel, and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ at Zoey, uuwi na ng Pilipinas

By EJ Chua
Published June 13, 2023 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap, Carmina Villarroel, and Kazel Kinouchi


Nalalapit na kaya ang muling pagkikita nina Doc RJ at Lyneth sa #AbotKamayNaPangarap?

Sa episode ng GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap na mapapanood ngayong Martes, June 13, matutunghayan na magdedesisyon na si Doc RJ (Richard Yap) tungkol sa pag-uwi nila ni Zoey (Kazel Kinouchi) sa Pilipinas.

Habang nagpapagaling sa Amerika si Doc RJ, pinaniwala ni Zoey ang una tungkol sa mga kunwaring kasamaan ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).

Nag-imbento si Zoey ng ilang istorya upang mailayo ang loob ni Doc RJ kina Lyneth at Analyn.

Pati ang ina ni Zoey na si Moira (Pinky Amador) ay kasabwat sa pagpapaikot kay Doc RJ.

Dahil sa sunud-sunod na naririnig ni Doc RJ tungkol kina Lyneth at Analyn, magpapasya na siyang umuwi na ng Pilipinas.

Tila gusto niyang turuan ng leksyon ang mag-ina dahil buong akala niya ay masama talaga ang ugali ng dalawa at dahil naniniwala siyang sina Moira at Zoey ang naaapi.

Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Doc RJ at Lyneth at kung ano ang mangyayari sa muli nilang pagtatagpo.

Mapapanood din sa bagong episode ang malalim na pag-uusap nina Doc Analyn at Doc Lyndon (Ken Chan) tungkol kay Zoey.

Anu-ano kaya ang nalalaman ni Doc Lyndon tungkol sa mga sikreto nina Zoey at Doc Carlos (Allen Dizon)?

Samantala, hindi rin dapat palampasin ang mga eksena kung saan kakausapin ni Doc Carlos si Analyn tungkol kay Lyneth.

Narito ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Martes:

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: