GMA Logo Dominic Ochoa and Richard Yap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ, nai-insecure kay Michael?

By EJ Chua
Published November 17, 2022 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Ochoa and Richard Yap


Doc RJ: “Ayoko sa mga taong bida-bida!”

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, November 16, tila naiipon na ang galit at pagkainggit ni Doc RJ (Richard Yap) kay Michael (Dominic Ochoa).

Kasabay ng patuloy na pagtatago ni Doc RJ tungkol sa tunay niyang pagkatao, sinusubaybayan niya ang bawat kilos ng kaniyang anak na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Bukod dito, inoobserbahan niya rin ang mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sa kaniyang anak.

Isa na nga rito si Michael, ang kaibigan ni Lyneth (Carmina Villarroe) na tumayong ama ni Dra. Analyn mula nang isilang ito.

Dahil may gusto si Michael sa ina ng batang doktor, ginagawa nito ang lahat upang maiparamdam na siya ang karapat-dapat na piliin nito at hindi si Doc RJ.

Isang araw habang nasa ospital, napagkuwentuhan nina Doc RJ at Dra. Analyn ang katatapos lang na simple family dinner na inihanda nina Lyneth at ng batang doktor para sa pagbabalik ni Aling Susan (Dexter Doria).


Nabanggit ni Analyn na dumalo sa okasyon ang kaniyang Tito Michael.

Kuwento niya “Ang dami nga pong dalang food ni Tito Michael…”

Sabi naman ni Doc RJ, “Wala ring inatupag 'yung Michael na 'yan kundi magpabida sa pamilya n'yo. Wala ba siyang pamilya o anak, para hindi siya nagpapaka-tatay sa 'yo?... Sinabi ko sa 'yo noon diba? Ayoko ng mga taong bida-bida…”

Matapos itong marinig ni Analyn, ipinagtanggol niya si Michael kay Doc RJ.

Panoorin ang eksenang ito:

Kaya pa bang tiisin ni Doc RJ ang mga naririnig niyang mabubuting bagay tungkol kay Michael?

Kailan kaya sasabihin ni Doc RJ ang buong katotohanan kay Dra. Analyn?

Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episodes ng 2022 hit inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: