GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Doktor na, kaibigan pa

By EJ Chua
Published October 13, 2022 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts to study the Moon's surface using mainly their eyes
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Napanood n'yo ba kung paano tinulungan ni Dra. Analyn ang pasyente ni Dra. Zoey?

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Abot Kamay Na Pangarap, mas nakikilala ng mga Kapuso kung anong klaseng doktor si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Kamakailan lang, naging malapit ang loob ni Analyn sa isang pasyenteng may taning na ang buhay.

Dahil masyado silang nagiging close, minabuti ni Doc RJ (Richard Yap) na pabitawan kay Analyn ang pasyente na si Sheba at ipinasa ito kay Dra. Zoey.

Habang mas lumalalalim ang pagkakaibigan nina Analyn at Sheba, napagkuwentuhan na nila ang buhay ng isa't isa.

Parehas nilang hiling ay ang makita ang kanilang mga ama na hindi nila nakasama sa kanilang paglaki.

Para sa kaibigan, hinanap ni Analyn ang tatay nito upang kausapin at sabihin na kailangan siya nito lalo na at kailangan na itong maoperahan.

Makalipas ang ilang araw, nahanap niya ang tatay ni Sheba ngunit tila hindi ito handang makita ang kaniyang anak.

Ilang beses mang tinanggihan si Analyn, dumating ang araw na natupad ng doktora ang pangarap ni Sheba.

Panoorin ang videos na ito:

Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: