GMA Logo Kazel Kinouchi and Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Dra. Analyn, nagsakripisyo para kina Dra. Zoey at Dr. Luke

By EJ Chua
Published December 21, 2022 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi and Jillian Ward


Napanood n'yo ba kung paano isinakripisyo ni Dra. Analyn ang kaniyang sarili para makatakas sina Zoey at Luke? Panoorin DITO:

Patindi nang patindi ang mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap!

Matapos dukutin ng mga armadong lalaki habang sila ay nasa medical mission, labis na hirap at sakit ang dinanas ng APEX doctors na sina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke Antonio (Andre Paras).

Kahit nagamot na ni Dra. Analyn ang ama ni Risa (Lianne Valentin), hindi pa pala natatapos doon ang kanilang mga paghihirap.

Ipinagamot pa sa mga doktor ang ilan pa nilang mga kasama na tinamaan din ng bala.

Kasunod nito ay tinulungan nilang manganak si Risa kaya naman labis ang pasasalamat niya sa mga ito.

Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin pinapalaya ng kidnappers ang APEX doctors.

Dahil hindi na nila kaya pang magtagal doon, nagplano na sina Dra. Analyn, Dra. Zoey, at Dr. Luke kung paano sila makakatakas.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakas, nabaril si Dr. Luke at doon na nagdesisyon si Dra. Analyn na magpahabol sa mga armadong lalaki upang tuluyang makalayo ang dalawang doktor.

Panoorin ang video na ito:

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.\

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: