
Ngayong Huwebes, April 13, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan ang isang nakakagulat at nakakalungkot na pangyayari.
Hindi inaasahan ni Dra. Analyn (Jillian Ward) na ang susunod pala niyang magiging pasyente ay ang kanyang ninong na si Cromwell (Ariel Villasanta).
Gulat na gulat ang batang doktor nang biglang dumating sa APEX Medical Hospital ang kanyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel), kasama si Mang Cromwell na may malubhang kalagayan.
Sa pagkikita ng mag-ina, bubuhos ang emosyon dahil sa pinagdaanan nina Lyneth at Cromwell.
Matatandaang habang nasa isang convenience store, babarilin dapat ng holdaper (Ryan Eigenmann) si Lyneth ngunit agad na humarang si Cromwell kaya siya ang tinamaan ng bala.
Upang maisalba ang buhay ni Cromwell, kailangan siyang agad na maoperahan at isa si Dra. Analyn sa mag-oopera sa kanya.
Kaabang-abang kung kakayanin ng batang doktor na operahan ang isa sa mga taong malapit sa kanyang puso.
Samantala, ano kaya ang susunod na mangyayari pagkatapos maiparating ni Lyneth sa kanyang kumare na si Josa (Wilma Doesnt) ang nangyari?
Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa mga eksenang mapapanood mamaya:
Maliligtas kaya ni Dra. Analyn ang buhay ng kanyang ninong?
Huwag palampasin ang mas matindi at mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: