
Sa pagpapatuloy ng hit Kapuso series na Abot-Kamay Na Pangarap, sunud-sunod ang pag aksyon ni Moira (Pinky Amador) upang mawala sa landas nila ng kaniyang asawa ang genius doctor na si Dra. Analyn (Jillian Ward).
Mula kasi nang malaman ni Moira na anak ni RJ (Richard Yap) ang batang doktor, mas pinaginitan niya pa ito at tila handa siyang gumawa ng kahit anong paraan para lang mailayo ang kaniyang asawa sa naging anak nito kay Lyneth (Carmina Villarroel).
Pumasok bilang admin si Moira sa APEX Medical Hospital na pagmamay-ari mismo ng kaniyang pamilya hindi para magtrabaho lang kundi para mas mabantayan niya ang mag-amang RJ at Analyn.
Bukod sa pagsusungit niya rito, isang gabi ay hindi agad nakauwi si Dra. Analyn dahil siya ang pinagbintangan ni Moira na nagnakaw ng ilang controlled drugs sa APEX.
Gusto pang pakapkapan ni Moira ang genius doctor at ang mas Malala ay gusto niya itong paghubarin upang tingnan kung nasa kaniya ang kanilang hinahanap.
Dahil hindi sang-ayon ang guwardiya sa mga nangyayari, nabigo si Moira sa kaniyang mga binabalak kay Dra. Analyn.
Nang tawagan ni Reagan (Jeff Moses) si Lyneth, galit na galit ito nang malaman na muli na naming ginugulo ni Moira ang kaniyang anak.
Panoorin ang nakakagigil na eksenang ito:
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: