
Sa hit Kapuso series na Abot-Kamay Na Pangarap, unti-unti nang nabubulgar ang sikreto hindi lang nina Doc RJ (Richard Yap) at Lyneth (Carmina Villarroel), kundi pati na rin ng iba pang karakter sa serye.
Dahil limitado lamang ang kaniyang pinagkakatiwalaan, madalas magkuwento si Moira (Pinky Amador) sa chief resident ng APEX Medical Hospital na si Dra. Katie Enriquez (Che Cosio).
Bukod sa may mataas itong posisyon sa ospital, si Dra. Katie ay inaanak din ni Moira sa kasal nito.
Isang araw habang ikinukuwento ni Moira ang kaniyang mga karanasan bilang isang babae na mayroong pinagdadaanan, natahimik si Dra. Katie nang marinig nito ang tungkol sa pagloloko ng isang asawa.
Nang mga oras na iyon, naalala ng doktor ang naging problema niya noon sa kaniyang asawa na si Mark Enriquez.
Buong akala ni Moira ay maayos ang pagsasama ng kaniyang mga inaanak ngunit mayroon din palang matinding pinagdaanan noon si Dra. Katie.
Itinanggi man niya ito noong una kay Moira, hindi rin niya napigilan na aminin na nagkaroon ng kabit noon ang kaniyang asawa.
Matapos nito, tila mas naging malapit ang loob nina Moira at Dra. Katie sa isa't isa.
Sariwa pa kaya ang sugat sa puso ni Dra. Katie?
Panoorin ang eksenang ito:
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: