GMA Logo abot kamay na pangarap recap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Dra. Zoey, magbabalik na sa APEX Medical Hospital

By EJ Chua
Published January 25, 2023 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap recap


Tuluy-tuloy na kaya ang magandang samahan nina Dra. Analyn at Dra. Zoey?

Ngayong Miyerkules sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, magbabalik na ang dating bully doctor na kaibigan na ngayon ni Dra. Analyn (Jillian Ward) na si Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).

Matapos ma-kidnap ng mga armadong lalaki sa isang medical mission, nakaranas ng Post-traumatic stress disorder o PTSD si Dra. Zoey.

Dahil dito, kinailangan niyang magpahinga mula sa pagtatrabaho hanggang sa maging maayos na ang kaniyang kalagayan.

Makalipas ang ilang linggo, napagpasyahan na niyang bumalik na sa APEX Medical Hospital upang maipagpatuloy ang kaniyang trabaho bilang isang doktor.

Sa kaniyang pagbabalik, tila mayroong mga bagay na hindi inaasahan ni Dra. Zoey na magbabago.

Tulad na lamang ng pagtingin sa kaniya ni Doc Luke (Andre Paras).

Noong siya ay nagpapagaling, madalas na tumatawag si Dra. Zoey kay Dra. Analyn upang kamustahin ito pati na rin ang lalaking kaniyang iniibig na si Doc Luke.

Lagi pang sinasabi ni Dra. Zoey na bantayan ni Dra. Analyn si Doc Luke mula sa mga babaeng umaaligid sa huli.

Ngayong muli na silang magkakasama, mapapansin kaya ni Dra. Zoey na unti-unti nang nababaling ang atensyon at pagtingin ni Doc Luke sa ibang doktor?

Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman niya na nahuhulog na ang loob ni Doc Luke sa kaniya mismong kaibigan?

Magsisimula na naman bang lumayo ang loob ni Dra. Zoey sa genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn?

Samantala, silipin sa video na ito ang ilang eksena na mapapanood mamaya:

Zoey is back to work

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST TALKED-ABOUT SISTER MOMENTS NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: