
Sa ongoing GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, inaabangan ng mga manonood ang mga eksena ng mga anak ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) na sina Dra. Analyn (Jillian Ward) at Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).
Sa latest episode ng serye, napanood ang muling pagbabalik ni Zoey sa APEX Medical Hospital.
Matapos ang ilang buwang suspension, tuluyann na ngang nakabalik sa ospital ang bully doctor.
Kasunod ng pagkakasuspinde sa kaniya, naisip ni Doc RJ na bumawi sa kaniyang anak na si Zoey.
Magkasama silang nagbakasyon at tila nagbago na ang samahan nila bilang mag-ama.
Sa pagbabalik nila sa APEX, umaasa si Doc RJ na magkabati na rin sina Zoey at Analyn.
Nang makasalubong ng medical director ang batang doktor, nagkumustahan sila.
Kapansin-pansin na na-miss ni Doc RJ ang kaniyang anak kay Lyneth (Carmina Villarroel) na si Analyn.
Panoorin ang eksenang ito:
Magkakaayos na nga kaya ang dalawang doktor?
Magbabago pa kaya ang ugali ni Dra. Zoey?
Kailan kaya malalaman nina Dra. Analyn at Dra. Zoey ang tungkol sa tunay nilang koneksyon sa isa't isa?
Anu-ano pa kaya ang pagdadaanan ni Dra. Analyn bilang pinakabatang doktor sa bansa?
Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episodes ng 2022 hit inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: