GMA Logo Kazel Kinouchi and Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Dra. Zoey Tanyag is Miss APEX 2022

By EJ Chua
Published November 26, 2022 4:00 PM PHT
Updated November 28, 2022 8:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi and Jillian Ward


May nanalo na! Congratulations Zoey, at pati na rin sa Miss APEX first runner-up na si Dra. Analyn Santos!

Sa latest episode ng hit GMA inspirational-medical series na Abot-Kamay Na Pangarap, inanunsyo na kung sino ang nanalo bilang Miss APEX 2022.

Ang karakter ni Kazel Kinouchi na si Si Dra. Zoey Tanyag ang nagwagi sa naturang beauty pageant na talaga namang sinubaybayan ng mga manonood.

Nabigo man si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) na makuha ang pinakamataas na title sa pageant, labis-labis pa rin ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta sa kaniya.

Kabilang na rito ang kaniyang nanay na si Lyneth (Carmina Villarroel), ang kaniyang Lola Susan (Dexter Doria), Tito Michael (Dominic Ochoa), Ninang Josa (Wilma Doesnt), Ninong Cromwell (Ariel Villasanta), at ang mga kaibigan ni Analyn sa APEX Medical Hospital.

Samantala, matatandaang kaya sumali si Analyn sa beauty pageant ay para makatulong siya sa isang foundation.

Ang tanging goal niya ay tumulong sa mga batang hindi nakakapag-aral.

Dahil hindi nýa nasungkit ang titulo, nalulungkot si Analyn dahil hindi kalakihan ang halagang maibibigay niya para sa foundation.

Walang kaalam-alam si Analyn na ang kaniyang ama at APEX medical director na si Doc RJ Tanyag (Richard Yap) ay nagpadala na pala ng tulong sa foundation.

Abangan pa ang exciting na episodes na mapapanood sa hit Kapuso serye!

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG MISS APEX 2022 CORONATION NIGHT SA GALLERY SA IBABA: