
Sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, patuloy na napapanood ang intense scenes tungkol sa pagdukot ng mga armadong lalaki sa APEX doctors na sina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke Antonio (Andre Paras) habang sila ay nasa isang medical mission.
Matapos ang ilang araw na nakaranas ng paghihirap at sakit sina Dra. Zoey at Dr. Luke, sa wakas ay nakaalis na sila sa bundok kung saan sila dinala ng kidnappers.
Ang dalawang doktor ay nakatakas matapos isakripisyo ni Dra. Analyn ang kaniyang sariling kaligtasan.
Nagpahabol siya sa mga armadong lalaki upang sina Dra. Zoey at Dr. Luke ay makalayo at makahingi ng tulong.
Sa kasamaang palad, nakita siya ng mga ito at muli siyang dinakip.
Nang makaligtas ang dalawang doktor, muli nang nakasama ni Zoey ang kaniyang mga magulang na sina Doc RJ (Richard Yap) at Moira (Pinky Amador).
Sinabi ni Dra. Zoey sa kaniyang mga magulang ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kanila at ang ginawa ni Dra. Analyn upang sila ay makatakas.
Kasunod nito, inamin din ni Dra. Zoey sa nanay ni Dra. Analyn na si Lyneth (Carmina Villarroel) at kay Michael (Dominic Ochoa) ang tungkol sa ginawa ng pinakabatang doktor sa bansa upang makaligtas sila ni Dr. Luke.
Sa kabila ng kaniyang mga narinig, nananatiling makasarili si Moira at tila pinipigilan niya si Doc RJ na tumulong upang mailigtas si Dra. Analyn.
Panoorin ang video na ito:
Makakaligtas pa kaya si Dra. Analyn?
Silipin sa video na ito ang ilang eksenang dapat ninyong abangan mamaya:
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: