GMA Logo Kazel Kinouchi and Dina Bonnevie
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Giselle, nagalit sa pangingialam ni Zoey sa kaniyang mga desisyon

By EJ Chua
Published March 28, 2023 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

5 cases from cruise ship confirmed as hantavirus, 3 suspected — WHO
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi and Dina Bonnevie


Giselle kay Zoey: “As long as the four walls of this building are concerned, you are just one of my minions…” #AbotKamayNaPangarap

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas noong Lunes, March 27, natunghayan kung paano ipinagmalaki ni Giselle Tanyag (Dina Bonnevie) sa harap ng mga camera ang batang doktor na si Analyn Santos (Jillian Ward).

Matapos kasing mapigilan ni Analyn ang pagtakas ng bomber na si Lando, naging usap-usapan na ang nangyari sa APEX Medical Hospital.

Nang mapanood ni Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) ang interview, kinausap niya ang kaniyang tiyahin na si Giselle tungkol sa mga sinabi niyang magagandang bagay na mas nakapagpaangat sa imahe ni Analyn bilang isang doktor.

Sabi ni Zoey kay Giselle, “Tita, akala ko ba ayaw mo kay Analyn? You also said that she's one of our best doctors.”

Sagot naman ni Giselle sa bully doctor, “I didn't have a choice. Alangan namang itanggi ko siya na pamangkin ko siya, samantalang alam ng lahat ng tao na anak siya ng daddy mo. So, what did you want me to say? Na palpak siyang doktor. Samantalang pinupuri siya ng lahat at ginagawa siyang hero.”

Dagdag pa niya, “Wait a minute, bakit mo ba kinukwestiyon ang mga desisyon ko? Hindi ibig sabihin na porke pamangkin kita eh you have the right to do so. Let me just remind you Zoey, as far as everyone in this hospital is concerned, I own and run this hospital. And as long as the four walls of this building are concerned, you are just one of my minions. Get out.”

Matatandaang hinangaan ng napakaraming tao si Analyn dahil siya ang tumulong sa mga pulis upang mas madali nilang mahuli ang bomber.

Ang karakter ng bomber na si Lando ay ginagampanan ng comedian-actor na si Archie Alemania.

Panoorin ang eksenang ito:

Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog na eksena sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUEST SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: