
Puno na ng kaba at takot ang ilang karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap dahil hindi pa rin sigurado ang kaligtasan ng mga mahal nila sa buhay at kanilang mga katrabaho.
Kabilang na rito si Doc Zoey, ang karakter ni Kazel Kinouchi sa naturang GMA's top-rating drama series.
Ngayong Miyerkules, August 30, mapapanood sa bagong episode na labis na mag-aalala si Zoey sa kaniyang mommy na si Moira (Pinky Amador).
Bukod pa kay Moira, inaalala rin ni Zoey ang itinuturing niyang ama na si Doc RJ, ang karakter naman ni Richard Yap sa programa.
Tila hindi na alam ni Zoey kung ano ang kaniyang uunahin, kaya naman hihingi na siya ng tulong kay Doc Ray (Chuckie Dreyfus), ang isa sa mga doktor sa APEX na kaibigan ni Doc RJ.
Malalaman ni Zoey na na-trap sa isang flower shop si Doc RJ ngunit hindi niya alam na kasama ng huli ang ina ni Doc Analyn (Jillian Ward) na si Lyneth (Carmina Villarroel).
Paano kaya iha-handle ni Zoey ang sunud-sunod na problema ng kanilang pamilya?
Makaligtas kaya si Doc RJ?
Kumusta na kaya ang kalagayan ni Moira?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.