GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap cast
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Gumana ang mga plano ni Moira; napaamin na si Madam Giselle

By EJ Chua
Published April 25, 2023 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap cast


Madam Giselle, napilitang ikuwento ang kanyang mapait na nakaraan kay Moira. #AbotKamayNaPangarap

Sa episode ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, April 24, natunghayan kung paano napahiya si Madam Giselle (Dina Bonnevie) sa launching ng kanyang bagong proyekto.

Habang abala si Giselle sa paglalahad ng kanyang mga plano, ibang plano pala ang magtatagumpay sa araw na iyon.

Matapos bayaran ni Moira (Pinky Amador) ang ilang mga tao para mabunyag ang sikreto ng kanyang sister-in-law, nagtagumpay siya sa paninira sa huli.

Nang maabutan ni Moira si Giselle na tila mayroong malalim na iniisip tungkol sa isang tanong na kanyang natanggap habang nasa event, nagkunwari siyang walang alam sa mga nangyari.

Habang tahimik ang CEO ng APEX, ipinakita ni Moira na mayroon nang kumakalat na balita tungkol sa kanyang naging buhay noon.

Noong una ay itinanggi ni Giselle ang tungkol dito ngunit dahil hindi na kinakaya ng kanyang konsensya, napilitan na siyang aminin ang lahat kay Moira.

Naging emosyonal na si Giselle habang ikinukuwento ang lahat ng kanyang pinagdaanan, samantalang si Moira naman ay nagkukunwari na naiintindihan niya ang nararamdaman ng una.

Bukod pa rito, ipinagdidiinan ni Moira na ang nagkalat ng kanyang sikreto ang dapat managot sa nangyari.

Panoorin ang eksenang ito:

Masisira na kaya ang relasyon ng magtiyahin na sina Madam Giselle at Analyn (Jillian Ward)?

Subaybayan ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: