GMA Logo Carmina Villarroel
What's on TV

'Abot Kamay Na Pangarap' hits 8.0% rating

By EJ Chua
Published September 21, 2022 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Episode ng 'Abot Kamay Na Pangarap' nitong September 20, panalo sa ratings!

GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, patuloy na namamayagpag sa ratings!

Mula sa 6.3 percent, pumalo na sa 8.0 percent ratings ang bagong serye na talaga namang tinututukan ngayon ng mga manonood ang Abot Kamay Na Pangarap hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin online.

Ayon sa tala ng Nielsen Philippines, ang nakakuha ng 8.0 percent rating ay ang episode na ipinalabas kahapon, September 21, kung saan napanood ng mga Kapuso na cancer-free na si Lyneth (Carmina Villarroel).

Bukod sa good news na ito, tinutukan din ng mga manonood ang mga eksena ni Lyneth bilang isang estudyante.

Napanood din sa episode na ito ang muling pagtatagpo nina Lyneth at ng salbaheng madrasta niya na si Susan.

Matatandaang ang pilot week ng serye ay nakakuha ng ratings na 6.3 percent hanggang 7.1 percent.

Ngayong Miyerkules, September 21, 2022, napanood na si Jillian Ward bilang si Analyn Santos, ang karakter na unang ginampanan ng child star na si Heart Ramos.

Mga Kapuso, patuloy na subaybayan ang buhay ng mag-inang Lyneth at Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: