GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Hugot ni Moira, inalmahan ng viewers

By EJ Chua
Published October 18, 2024 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Napa-react ang viewers sa pa-victim line ni Moira sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Usap-usapan ngayon ang isa sa mga linya ni Moira (Pinky Amador) sa hit afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa nakaraang episode ng serye, may hugot si Moira tungkol sa sobrang pagmamahal.

May drama moment si Moira habang kaharap niya ang mga hostage sa loob ng APEX Medical Hospital.

Gigil na sinabi ni Moira, “Alam n'yo ba they always paint me as the villain, but I am the real victim here.”

Kasunod nito, nagbigay siya ng payo na ini-relate niya sa nangyari sa kanyang buhay.

Sabi niya, “Kung ayaw n'yong matulad sa akin, may tip ako para sa inyo. Huwag kayong magmahal ng sobra. Dahil kapag nagmahal kayo ng sobra, kahit ano gagawin n'yo.”

“Kapag nasaktan kayo, gaganti kayo, hindi na kayo makapagpigil sa paghiganti kahit alam n'yong mali na ang ginagawa n'yo. Hindi n'yo na mapigilan dahil hinahanap n'yo 'yung makakatanggal sa sakit ng puso n'yo pero wala, hindi n'yo mahahanap 'yun kahit kailan,” pahabol pa niya.

Mababasa online ang reaksyon at komento ng viewers sa mga sinabi ni Moira.

Ayon sa ilan, pa-victim umano si Moira.

Mayroon ding nagsabi na si Moira naman talaga ang may kasalanan kung bakit gumulo ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Balikan ang drama moment ni Moira sa video sa ibaba:

Si Moira ay ang wicked mother ni Dra. Zoey, ang karakter ni Kazel Kinouchi sa medical drama.

Huwag palampasin ang finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood na sa Sabado, October 19.