
Talaga namang tagos sa puso ang mga eksenang napapanood ngayon sa hit GMA medical-inspirational series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kasalukuyan pa ring napapanood sa serye ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi bilang kambal din na sina Jordan at Jewel.
Matapos magkasundo ang mga anak ni Teacher Cherry (Samantha Lopez) na itutuloy nila ang kidney transplant, tila isa na namang problema ang susubok sa kanilang pamilya.
Bago ang operasyon ay kailangan nilang malaman kung maaari bang i-donate ni Jordan ang isa niyang kidney kay Jewel.
Matapos sumailalim sa ilang medical tests, lumabas sa resulta na compatible ang dalawa ngunit hindi maaaring maging kidney donor si Jordan.
Ayon kina Dra. Katie (Che Cosio) at Dra. Analyn (Jillian Ward), malaki ang posibilidad na maubusan ng dugo si Jordan dahil may nakita sila sa katawan nito na maaaring ikapahamak niya kapag tinuloy ang operasyon.
Dahil dito, sinabi ng dalawang APEX doctors na hindi pwedeng ipilit ang kanilang mga plano dahil maaaring ikamatay ni Jordan ang pagdo-donate ng kidney.
Nang marinig ito nina Jewel, Jordan, at Teacher Cherry, kapansin-pansin na sabay-sabay silang pinanghinaan ng loob.
Sa kabila ng matinding problema, nagpapakatatag ang ina ng kambal.
Para makatulong, sinabi ni Jordan na hihinto muna siya sa pag-aaral upang makatulong sa mga gastusin sa ospital.
May pag-asa pa kayang gumaling si Jewel?
Ano kaya ang maitutulong ni Dra. Analyn sa kaniyang pasyente?
Sagutin ang poll na ito:
Samantala, panoorin ang episode na ito:
Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream. Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITY GUESTS NG 'ABOT-KAMAY NA PANGARAP' SA GALLERY NA ITO: