
Sa ongoing hit GMA afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, tila hindi lang candidates ng Miss APEX 2022 ang nagpapasiklaban.
Bukod kasi kina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at iba pang mga doktor na kasali sa beauty pageant, palaban din ang kanilang supporters.
Nang makaharap ni Moira (Pinky Amador) ang ina ni Analyn na si Lyneth (Carmina Villarroel), minaliit niya ang kakayahan ng anak nito.
Isa sa mga linyang binitawan ni Moira kay Lyneth, “We all know that out of all the contestants, Zoey is the best candidate! Parang hinihintay na lang natin ang 2nd placer at sana si Analyn 'yon!”
Nang marinig niya ito, to the rescue si Josa (Wilma Doesnt), ang palaban na best friend ni Lyneth at ninang ni Analyn.
Matapang na sagot ni Josa kay Moira, “Ay iba, wala pa man din… may nanalo na ha!”
Kasunod nito, inalok niya ito ng pustahan ngunit natahimik si Josa nang sabihin ni Moira na game siya pero kung 50,000 pesos ang magiging kapalit nito.
Buong akala ni Moira ay matatahimik na si Josa ngunit bigla itong nagsalita tungkol sa asawa nito na si Doc RJ (Richard Yap).
Kapansin-pansin na nasaktan si Moira sa sinabi sa kaniya ng kaibigan ni Lyneth, ngunit ilang segundo lang ang nakalipas, muling nagsalita si Moira.
Hirit niya, “Si Analyn ang may kailangan ng suwerte, dahil si Zoey hindi na niya kailangan non.”
Panoorin ang mainit na eksenang ito:
Sino kaya kina Analyn at Zoey ang tatanghaling Miss APEX 2022?
Anu-ano pa kaya ang mangyayari sa beauty pageant?
Narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamaya:
Samantala, sino kina Analyn at Zoey ang gusto mong manalo bilang Miss APEX 2022? Sagutin ang poll na ito:
Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: