GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Kasama ni Moira sa kulungan, kaibigan ni Aling Susan?

By EJ Chua
Published May 9, 2023 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Kakampi pala ni Aling Susan si Mildred!

Sa katatapos lang na episode ng GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, napanood kung anong klaseng royal treatment ang naranasan ni Moira (Pinky Amador).

Nagulat ang mga manonood nang malaman nilang kaibigan pala ni Aling Susan (Dexter Doria) si Mildred, ang itinuturing na mayora sa loob ng kulungan kung nasaan si Moira.

Nag-trending ang hashtag na #AKNPRoyalTreatment dahil sa paghihiganti ni Aling Susan kay Moira sa tulong ni Mildred.

Tila nakahanap ng matinding katapat ang wicked mother ni Zoey (Kazel Kinouchi).

Pinag-usapan din ng mga manonood ang pang-aasar ni Aling Susan kay Moira habang kasama niya si Lyneth (Carmina Villarroel).

Ang ilan, kinagiliwan ang trip ni Aling Susan tungkol sa Susanatics at Moiratic acid.

Narito ang ilang reaksyon ng viewers at netizens sa royal treatment na naranasan ni Moira:

Panoorin ang eksenang ito:

Matatandaang nakulong si Moira matapos niyang pagtangkaang saksakin si Lyneth habang sila ay nasa Eastridge Medical Hospital.

Abangan ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: