
Time out muna sa pagpapakulo ng dugo ng viewers ang mga kontrabida sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa TikTok, instant good vibes ang hatid nila para sa kanilang mga tagasubaybay.
Kamakailan lang, nag-bonding sina Morgana/Moira (Pinky Amador), Zoey (Kazel Kinouchi), Madam Chantal (Pilar Pilapil), Nushi G (Gladys Reyes).
Mapapanood ang apat na kontrabida sa isang video habang magkakasama silang sumasayaw.
Game na game nilang ipinakita ang kanilang dance moves at kulitan moments sa set ng serye, na labis na kinagiliwan ng netizens.
Narito ang ilang positive reactions ng fans at netizens sa TikTok video ng mga pinag-uusapang kontrabida sa Abot-Kamay Na Pangarap:
@pinkyamadorofficial Replying to @drew Hero na po si #MadamChantal Hindi lang po sya ang pumili ng kanta 🎶 sya pa ang nag choreo sa amin ni @Gladys Reyes-Sommereux @IG: kazelkinouchi #AbotKamayNaPangarap #MoiraTanyag #FromMoiraToMorgana #MorganaGogogo #HappySet #AttitudeOfGratitude #AmadorCreativeConcepts #LoveAndLight ♬ original sound - PinkyAmador
Sa kasalukuyan, mayroon nang million views ang kanilang entry sa TikTok.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: