GMA Logo Kazel Kinouchi Pinky Amador Leo Martinez
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lolo Pepe, galit na galit kina Moira at Zoey

By EJ Chua
Published March 13, 2023 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi Pinky Amador Leo Martinez


Lolo Pepe sa mag-inang Moira at Zoey: “Itatakwil ko kayo… lalo ka na Zoey, wala kang makukuha maski isang kusing sa akin.” #AbotKamayNaPangarap

Sa episode ng hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap na may hashtag na #GumisingKa, labis na nasubukan ang pasensya ni Lolo Pepe (Leo Martinez) sa mag-inang Moira (Pinky Amador) at Zoey (Kazel Kinouchi).

Galit na galit si Lolo Pepe nang malaman na nagdedesisyon sina Moira at Zoey tungkol sa do-not-resuscitate order o DNR order, kung saan nangangahulugan ito na hindi na nila ilalaban pa ang buhay ni Doc RJ (Richard Yap).

Nang makausap niya ang mag-ina, masasakit na salita ang kanilang narinig mula sa ama ni Doc RJ.

Sabi ni Lolo Pepe kina Moira at Zoey, “Hindi ako papayag! Bakit kayo papayag na patayin ang anak ko?... Kahit ano pa man 'yan, ayokong itigil ang pagdugtong sa buhay ng anak ko [Doc RJ].”

Dagdag pa niya, “Ako ang may-ari ng ospital na ito, kahit maubos ang ipinundar ko rito, wala ako pake, mabuhay lang ang anak ko. 'Pag hindi kayo tumigil sa kalokohang 'yan, itatakwil ko kayong mag-ina. Tatanggalan ko kayo ng mana, lalo ka na Zoey! Wala kang makukuha maski isang kusing sa akin.”

Para kay Lolo Pepe, hangga't humihinga ang kanyang anak ay hindi niya ito isusuko.

Kabaligtaran naman ng kanyang pananaw, ang gustong mangyari nina Moira at Zoey.

Base sa kanilang mga kinikilos, tila mas gusto pa nilang mawala na si Doc RJ para mapanatili nila ang kanilang matinding sikreto.

Panoorin ang eksenang ito:


Lalayo na kaya ang loob ni Lolo Pepe kay Zoey?

Posible na bang mapalapit ulit ang loob ni Lolo Pepe sa isa pa niyang apo na si Analyn (Jillian Ward)?

Ano na kaya ang mangyayari kay Doc RJ?

Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog na mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: