
Mabibigat na mga eksena pa ang sunod-sunod na matutunghayan sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Matapos ang kasalang Lyneth-Carlos (Carmina Villarroel and Allen Dizon), abala na ulit ang lahat sa pagbalik nila sa kanilang mga trabaho.
Kabilang na rito ang mga anak ni Doc RJ (Richard Yap) na sina Doc Analyn (Jillian Ward) at Doc Zoey (Kazel Kinouchi).
Kasunod nito, naisipan ni Lolo Pepe (Leo Martinez) na bisitahin ang kanyang mga apo na sina Doc Analyn at Doc Zoey.
Kakabit pala nito ay ang pagdiskubre niya sa katotohanan tungkol sa pagkatao ng dalawa.
Sa bagong episode ng serye, kaabang-abang na gagawa ng paraan si Lolo Pepe upang maipa-DNA test din ang batang doktor.
Matatandaang una nang inasikaso ni Lolo Pepe ang DNA test ni Zoey nang marinig niyang nagpa-paternity test noon ang kanyang anak na si Doc RJ.
Malaman na kaya ni Lolo Pepe ang isa sa mabibigat na mga sikreto nina Moira (Pinky Amador) at anak nito na si Zoey?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.
Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng PhP5,000 daily at PhP50,000 sa grand raffle.
Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.