
Hindi dapat palampasin ang susunod na episodes ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Tila pati ang mga manonood ay kinakabahan na sa maaaring mangyari kay Lolo Pepe, ang karakter ng veteran actor na si Leo Martinez.
Kasalukuyan pa rin kasi siyang bihag ng tauhan ni Moira (Pinky Amador).
Sa susunod na episodes ng serye, matutunghayan na paghuhukayin siya ng tauhan ni Moira at mas malalagay pa sa panganib ang kanyang buhay.
Sa kabilang banda, malalaman ni Analyn (Jillian Ward) na nagsisinungaling na naman sa kanya si Zoey (Kazel Kinouchi).
Kapansin-pansin sa previous episodes na labis ang pag-aalala ni Analyn sa kanyang lolo.
Hindi na mapakali ang batang doktor hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan na ang huli at kung sino ang dapat niyang kausapin upang mahanap si Lolo Pepe.
Mapatunayan kaya ni Analyn ang kanyang mga hinala?
Samantala, ngayong alam na ni Doc Carlos (Allen Dizon) ang ginawa nina Moira at Zoey, pipiliin ba niyang tulungan si Analyn?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.
Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.
Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.