
Masakit na Lunes nga ba ang bubungad sa mga karakter sa hit GMA medical-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap?
Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, February 19, 2024, malungkot na mga eksena ang matutunghayan sa serye.
Sa loob ng matagal na panahon, naratay sa hospital bed si Lolo Pepe (Leo Martinez) dahil sa mga nangyari sa kanya mula nang siya ay ma-kidnap.
Na-comatose si Lolo Pepe at kasalukuyang mino-monitor ng kanyang mga anak at mga apo ang kanyang kalagayan.
Ngunit habang abala ang lahat sa pagpapahirap kay Moira at mga kanya-kanyang mga plano, isang malungkot na balita ang bubungad sa kanila.
Kayanin kaya nina Doc RJ (Richard Yap) at Madam Giselle (Dina Bonnevie) ang mga susunod na mangyayari?
Tuluyan na bang mamamaalam si Lolo Pepe sa kanyang mga apo na sina Analyn, Zoey, Justine (Jillian Ward, Kazel Kinouchi, and Klea Pineda)?
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Lunes ng hapon sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: