
May mamamaalam na ba sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap?
Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Huwebes, December 21, 2023, matutunghayan ang ilan pang eksena ni Lolo Pepe, ang karakter ng veteran actor na si Leo Martinez.
Hindi dapat palampasin kung ano ang mangyayari kay Lolo Pepe habang siya ay nasa Eastridge Medical Hospital.
Nakaligtas man mula sa operasyon, tila hindi pa rin maayos ang kanyang kalagayan.
Mamamaalam na ba si Lolo Pepe?
Ano pa kaya ang mangyayari sa Tanyag family?
Bukod dito, mapapanood din ang pagkompronta ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) kay Moira (Pinky Amador).
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Huwebes sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: