GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap cast
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lolo Pepe, pinapapunta si Doc Analyn sa US

By EJ Chua
Published May 8, 2023 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap cast


Sa wakas, madadalaw na ulit ni Doc Analyn ang kanyang ama na si Doc RJ.

Isang mahalagang pangyayari ang natunghayan sa latest episode ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Habang nag-uusap sina Doc Analyn (Jillian Ward) at Doc Carlos (Allen Dizon), nakatanggap ng tawag ang batang doktor mula sa kanyang lolo na si Lolo Pepe (Leo Martinez).

Masayang-masaya si Doc Analyn nang malaman niyang nagising na ang kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap).

Ikinagulat niya ang mga sinabi ni Lolo Pepe lalo na nang marinig niya mula rito na pinapapunta siya ng kanyang lolo sa US para bantayan si Doc RJ.

Ayon kay Lolo Pepe, mas makabubuti raw na si Analyn na mismo ang magcheck kung ano na ang kalagayan ng kanyang ama.

Hindi inaasahan ng young at genius na doktor na papupuntahin siya ni Lolo Pepe sa ibang bansa para muling makasama ang kanyang ama na si Doc RJ na matagal niyang hindi nakita.

Matatandaang itinago nila Moira (Pinky Amador) at Zoey (Kazel Kinouchi) kay Analyn ang biglaang pagdala kay Doc RJ sa ibang bansa para ipagamot ang huli sa isang magandang ospital doon.

Panoorin ang eksenang ito:

Samantala, ano kaya ang susunod na mangyayari sa buhay ni Doc Analyn?

Makakasama na nga ba niya ang kanyang ama?

Paano na ang trabaho niya sa Eastridge Medical Hospital?


Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Insert link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/kapuso_stream/videos/

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: