GMA Logo Carmina Villarroel in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lyneth, hindi ikinahiya ang kanyang green hair

By EJ Chua
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated July 7, 2023 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel in Abot Kamay Na Pangarap


Moira, napahiya nang may magandahan sa buhok ni Lyneth sa #AbotKamayNaPangarap.

Sa katatapos lang na episode ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, natunghayan na muling nagkita sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Moira (Pinky Amador).

Bukod kina Lyneth at Moira, muli ring nagkatagpo ang dating magkaibigan na sina Doc RJ (Richard Yap) at Doc Carlos (Allen Dizon).

Hindi inaasahan nina Lyneth at Doc Carlos na makikita nila sina Doc RJ at Moira sa Thanksgiving party ng matagumpay na operation sa conjoined twins na isinagawa sa Eastridge Medical Hospital.

Nang makaharap ni Moira si Lyneth, labis na nagtaka ang una kung bakit nakasuot ng hoodie ang huli.

Gulat na gulat si Moira nang i-reveal na ni Lyneth ang kulay ng kanyang buhok.

Hindi inaasahan ni Lyneth na mayroong magagandahan sa kanyang green hair ngunit naglakas-loob siyang ipakita ito sa mga tao roon.

Matapos ipakita ito, binanggit ni Lyneth kina Doc RJ at Moira na may kinalaman si Zoey (Kazel Kinouchi) kung bakit naging gano'n ang kulay ng kanyang buhok.

Labis namang nagtaka si Doc RJ kung bakit sinabi ni Lyneth ang pangalan ni Zoey.

Matapos itago noong una ang kulay ng kanyang buhok, kalaunan ay naging kumportable na si Lyneth nang mapansin ng mga tao na bagay naman pala ito sa kanya.

Dahil dito, tila napahiya si Moira sa kanyang mga reaksyon tungkol kay Lyneth.

Panoorin ang eksenang ito:

Abangan ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.

SILIPIN ANG NAKAKAPANGGIGIL NA MGA EKSENA TUNGKOL KINA MOIRA AT ZOEY SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP GALLERY SA IBABA: