GMA Logo Jillian Ward, Richard Yap, and Abot-Kamay Na Pangarap cast
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Mag-amang Doc RJ at Analyn, nagkita na ulit!

By EJ Chua
Published March 16, 2023 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Richard Yap, and Abot-Kamay Na Pangarap cast


Ilang APEX doctors at nurses, ipinuslit si Analyn para mabisita ang kanyang ama.

Kakaibang mga tagpo ang nasaksihan sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas ngayong Huwebes, March 16.

Matapos pagbawalan ni Lolo Pepe (Leo Martinez) si Analyn (Jillian Ward) na makalapit kay Doc RJ (Richard Yap), labis na nalungkot ang batang doktor.

Ngayong gising na si Doc RJ, tila hindi mapakali si Analyn dahil gusting-gusto na niya itong makita ulit at makausap.

Ilang panahon lang kasi matapos niyang malaman na si Doc RJ ang tunay niyang ama, na-comatose ito nang ihulog siya ni Moira (Pinky Amador) sa hagdan ng isang restaurant.

Dahil labis na kalungkutan ang naramdaman ng young at genius doctor, nagpasya ang ilang APEX doctors at nurses na tulungan si Analyn na makalapit sa kanyang ama.

Gumawa ng paraan sina Doc Rey (Chuckie Dreyfus), nurse Karen (Eunice Lagusad), at nurse Evan (Alchris Galura) para maipuslit si Analyn.

Ang former chief resident sa APEX Medical Hospital na si Dra. Katie (Che Cosio), nakisali rin sa makulit nilang plano para kay Analyn.

Dalawang pulis ang nagbabantay sa may labas ng kwarto ni Doc RJ at sinabi pa ng mga ito kay Doc Rey na kausapin daw nito si Analyn dahil pinagbawalan siyang makita ang doktor.

Nagkunwari silang ihahatid ang pasyente sa ICU at kaya raw nakatakip ang buong mukha at katawan nito ay mayroon itong komplikadong karamdaman.

Ilang medical terms pa ang kanilang binanggit sa mga pulis hanggang sa payagan sila ng mga ito na ipasok na ang pasyente sa sinabi nilang pagdadalhan nila rito.

Matagumpay na nakapasok si Analyn sa kwarto ni Doc RJ at masayang-masaya siya na nakabisita na ulit siya sa kanyang ama.

Panoorin ang eksenang ito:

Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: