GMA Logo Kazel Kinouchi and Pinky Amador
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Mag-inang Moira at Zoey, magkakampihan na ulit?

By EJ Chua
Published March 2, 2023 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi and Pinky Amador


Moira kay Zoey: “No matter what happens, 'di kita iiwan.” #AbotKamayNaPangarap

Hindi na mapipigilan ang kasamaan ni Moira Tanyag (Pinky Amador) sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa kabila ng pag-amin niya na siya nga ang tumulak kay Doc RJ (Richard Yap) sa hagdanan ng isang restaurant, tila ipagpapatuloy niya pa rin ang pagsira sa buhay ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).

Dahil sa nalaman ni Zoey (Kazel Kinouchi) na hindi siya tunay na anak ni Doc RJ, tila nabawasan ang galit niya sa kaniyang mommy.

Ipinakita na ni Moira kay Zoey ang resulta ng DNA siblingship test na nagpapatunay na hindi magkapatid sina Analyn at ang kaniyang anak.

Nang makita ito ni Zoey, tila hindi siya makapaniwala na totoo ngang si Analyn lang ang tunay na anak ni Doc RJ.

Noong una ay ipinaglalaban niya pa ang kaniyang daddy, ngunit nang malaman niyang hindi siya tunay na anak nito, tila nagulo ang kaniyang isipan.

Patuloy na sinusuyo ni Moira si Zoey at ipinapaintindi niya rito na kailangan niyang maging matatag at ipaglaban na siya lamang ang karapat-dapat na magmana ng APEX Medical Hospital.

Tila tinuturuan ni Moira ang kaniyang anak na angkinin ang lahat ng dapat sana ay sa genius doctor na si Analyn.

Kapansin-pansin na wala na rin sa tamang pag-iisip si Zoey dahil sa mga nangyayari.

Nang makausap niya ang kaniyang anak, pilit niyang pinapakalma si Zoey at mas pinaparamdam niyang sila lamang ang magkakampi ng huli sa mga panahong ito.

Sabi ni Moira kay Zoey, “No matter what happens, 'di kita iiwan.”

Magpapadala ba si Zoey sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang mommy?

Magsisimula na ba ang malalim na pagkakampihan ng mag-inang Moira at Zoey?

Panoorin ang eksenang ito:

Patuloy na tumutok sa naturang hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: