GMA Logo Carmina Villarroel and Dina Bonnevie
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Magkakaroon ng bagong kakampi si Lyneth

By EJ Chua
Published June 1, 2023 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Commonwealth vendors, supporters tune in with hopes for economy, accountability
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Dina Bonnevie


Abangan ang pagkakampihan nina Lyneth at Madam Giselle sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'.

Sa episode ng GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap na mapapanood ngayong Huwebes, June 1, kaabang-abang ang magaganap na bagong pagkakampihan.

Matapos malaman ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) na ang kanyang ama naman ang inaway ni Moira (Pinky Amador), tila lalong lumalim ang galit niya sa kanyang sister-in-law.

Dahil dito, nagdesisyon si Madam Giselle na ialis ang kanyang daddy sa APEX at ilipat siya sa Eastridge Medical Hospital at doon ito ipagamot imbes na sa dati nilang ospital.

Samantala, bago umuwi si Lyneth (Carmina Villarroel) mula sa Eastridge, malalaman niyang nandoon din ang pamilya ni Doc RJ (Richard Yap).

Mapapanood din sa bagong episode ang muling pagkikita nina Lyneth at Moira.

Hindi rin dapat palampasin ang muling pagtatagpo nina Lyneth at Madam Giselle at kung paano nila sisimulan ang pagkakampihan laban kay Moira.

Uubra pa kaya ang tapang at kasamaan ni Moira kina Lyneth at Madam Giselle?

Narito ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood
ngayong Huwebes:

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA 'ABOT-KAMAY
NA PANGARAP' SA GALLERY SA IBABA: