
Mas exciting at nakakagigil pang mga eksena ang dapat abangan sa susunod na episodes ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kaabang-abang sa bagong episode na magsisimula nang magsisi si Zoey (Kazel Kinouchi) sa ginagawa nila ng kaniyang mommy na si Moira (Pinky Amador) kay Lolo Pepe (Leo Martinez).
Tila gusto pa kasi ni Moira na mas pahirapan pa ang kaniyang father-in-law habang bihag nila si Lolo Pepe.
Sa previous episodes ng serye, napanood kung paano labis na pinahirapan at itinago ng salbaheng mag-ina na sina Moira at Zoey ang ama ni RJ (Richard Yap).
Kasunod ito ng eksena nina Lolo Pepe, Moira, at Zoey, kung saan nalaman ng una na hindi niya tunay na apo ang huli.
Mapapanood din sa bagong episode na magdududa na sina Analyn (Jillian Ward), Doc RJ, at Madm Giselle (Dina Bonnevie) kay Doc Carlos (Allen Dizon).
Hanggang kailan nga ba kayang pagtakpan ni Doc Carlos si Zoey?
Mabunyag na kaya na siya ang tunay na ama ni Zoey at hindi si Doc RJ?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.