
Mangyayari na ang isa sa mga inaabangan ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers sa serye.
Ngayong Huwebes, matutunghayan ang pakikipagkita ni Lyneth (Carmina Villarroel) sa lalaking may hawak ng mobile phone ni Doc RJ (Richard Yap).
Mapapasakamay na ni Lyneth ang lumang phone ni Doc RJ at mayroon siyang malalaman.
Mapapanood na niya ang video recording ni Doc RJ na naka-save sa cellphone nito na maaaring gamitin bilang ebidensya laban kay Moira (Pinky Amador).
Tila kailangan nang humanda si Moira sa mga mangyayari sa kanya. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Lyneth? Ipapaalam na ba niya sa kanyang anak na si Analyn (Jillian Ward) ang tungkol sa mga sinabi ni RJ sa pamamagitan ng video? Maparusahan na kaya si Moira sa mga ginawa niyang mga kasamaan?
Narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Huwebes:
Sabay-sabay nating abangan ang susunod pang mga kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/