GMA Logo Allen Dizon and Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: May good news na matatanggap si Doc Analyn

By EJ Chua
Published May 23, 2023 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos on Black Friday: Live with compassion, greater faith
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Dizon and Jillian Ward


Tuloy na tuloy na kaya ang pagpunta ni Doc Analyn sa US? Abangan sa '#AbotKamayNaPangarap.'

Sa episode ng GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap na mapapanood ngayong Martes (May 23), kaabang-abang ang isang magandang balita at bagay na matatanggap ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Dahil sa pagkawala ng passport ni Doc Analyn sa mismong araw ng kanyang flight schedule papuntang US, hindi natuloy ang kanyang pag-alis.

Walang kaalam-alam ang batang doktor na itinago ni Doc Zoey (Kazel Kinouchi) ang kanyang passport para hindi makasama ang una sa ibang bansa.

Dahil sa nangyari, itinuon na lamang muna ni Doc Analyn ang kanyang atensyon sa kanyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel).

Sa bagong episode na mapapanood sa serye, matutunghayan na habang nasa Eastridge Medical Hospital si Doc Analyn ay mayroong mahalagang bagay na iaabot sa kanya si Doc Carlos (Allen Dizon).

Tuloy na tuloy na kaya ang pag-alis ni Doc Analyn?

Mapipigilan kaya niya ang mga binabalak ng mag-inang Moira (Pinky Amador) at Zoey kay Doc RJ?

Samantala, mapapanood din ang pagbisita at paghingi ng tawad ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) sa ina ni Doc Analyn na si Lyneth.

Narito ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Martes:

Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: