GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

'Abot Kamay Na Pangarap,' may mahigit 500 million views na sa TikTok

By EJ Chua
Published October 17, 2022 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Abot na abot natin ang pangarap hindi lang on-air kundi pati na rin online! Maraming Salamat sa patuloy na pagtutok sa 'Abot Kamay Na Pangarap.'

Kasabay ng pagtaas ng TV ratings ng inspirational-medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap ay ang patuloy nitong paghakot ng views sa social media.

Bukod sa humahakot ito ng million views sa Facebook at iba pang social media pages ng GMA Network, patuloy ding nadadagdagan ang views nito sa video-sharing app na TikTok.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 501 million views sa sikat na application.

Abot Kamay Na Pangarap

Isa sa videos na mapapanood tungkol sa programa ay ang kauna-unahang pabibo moment ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) habang kasama niya sa conference room sina Doc RJ Tanyag (Richard Yap) at kapwa niya first year residents.

Sa ngayon ay mayroon na itong 4.2 million views sa TikTok.

@gmanetwork Episode 29 | Pabibo agad?? #abotkamaynapangarap #jillianward #richardyap #medicaldrama ♬ original sound - GMA Network

Bukod dito, tumabo rin ng milyon-milyong views ang eksena kung saan napanood ng mga Kapuso na muling nagkasagutan sina Dra. Analyn at Doc RJ.

Mayroon na itong 3 million views sa kasalukuyan.

@gmanetwork Episode 28 | Nagkasagutan na naman sina Analyn at RJ! #abotkamaynapangarap #jillianward #richardyap ♬ original sound - GMA Network

Kung gusto ninyong mapanood ang iba pang videos ng Kapuso serye bisitahin ang official TikTok account ng GMA Network sa @gmanetwork.

Samantala, abangan pa ang mas kapana-panabik na mga kaganapan sa susunod na episodes ng Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa telebisyon o gusto ninyong balikan ang ilang mga eksena, maaaring i-extend ang inyong pagtutok at panonood.

Bisitahin lamang ang GMANetwork.com at panoorin ang video highlights at full episodes ng programa.

KILALANIN ANG BUONG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: