GMA Logo Richard Yap, Pinky Amador, and Carmina Villarroel
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: May pag-uusapan sina Lyneth, RJ, at Moira

By EJ Chua
Published July 12, 2023 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
On Easter, Pope Leo urges world leaders to end wars, renounce conquest
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap, Pinky Amador, and Carmina Villarroel


Bakit kaya gustong makausap ni RJ si Lyneth? Abangan ang paghaharap nila kasama si Moira sa '#AbotKamayNaPangarap.'

Ngayong Miyerkules, July 11, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, may matatanggap na mahalagang tawag ang ina ni Doc Analyn (Jillian Ward) na si Lyneth (Carmina Villarroel).

Habang tahimik na namumuhay si Lyneth at ang kanyang anak, patuloy naman sa panggugulo sa kanila si Moira (Pinky Amador) at ang kanyang pamilya.

Mapapanood sa bagong episode na biglang makakatanggap si Lyneth ng phone call mula kay Doc RJ (Richard Yap), ama ng kanyang anak at asawa ni Moira.

Labis na magtataka si Lyneth kung bakit gusto siyang makausap ni Doc RJ at kung tungkol saan ang kanilang pag-uusapan.

Sa pagtawag nito sa kanya, babanggitin ng doktor na gusto niyang magkita sila kasama si Moira.

Ano kaya ang mahalagang bagay na kanilang pag-uusapan?

Handa na ba si Lyneth na muling makita na magkasama sina Doc RJ at Moira?

Ito na ba ang simula ng pagkakaayos nila o ang pagwawakas ng koneksyon nina Lyneth at Analyn kay Doc RJ?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Miyerkules sa video na ito:

Abangan ang kapana-panabik na mga eksena tungkol sa paghaharap nina Lyneth, Doc RJ, at Moira sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: