GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Medical mission gone wrong!

By EJ Chua
Published December 10, 2022 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoy nurses in US join strike to call for safer staffing, better pay
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi in Abot Kamay Na Pangarap


Dra. Analyn Santos to the rescue para tulungan si Dra. Zoey Tanyag?

Sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, tila walang katapusan ang pagiging bida-bida ni Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).

Sa isang medical mission, hindi inaasahan ni Dra. Zoey na maabutan niya sa venue ang genius doctor na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

Buong akala kasi ng bully doctor ay siya at si Dr. Luke Antonio (Andre Paras) lang ang ipinadala ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) sa isang barangay upang magsagawa ng libreng tuli.

Nang magtagpo ang dalawa, tila nagsimula na naman ang kanilang alitan kahit pa sila ay nasa medical mission.

Matapos ihanda ang kanilang mga kagamitan, nagsimula na sina Dra. Analyn at Dra. Zoey sa pagtutuli.

Ang bully doctor, nakipag-unahan pa sa pinakabatang doktor sa APEX hanggang sa isang pasyente nito ang napahamak dahil sa kaniyang pagmamadali.

Nang magliligpit na sana ng gamit si Dra. Analyn, bigla na lamang sumigaw ang pasyente ni Dra. Zoey, at nagsimula nang mag-panic ang bully doctor.

Agad na pinuntahan ni Dra. Analyn ang pasyente at siya pa mismo ang nagsabi kay Dra. Zoey kung ano ang dapat nitong gawin.

Panoorin ang ilang naging kaganapan sa medical mission nina Dra. Zoey at Dra. Analyn sa video na ito:

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: