
Nakakaiyak na mga eksena ang napanood ng mga Kapuso sa episode ng Abot Kamay Na Pangarap na ipinalabas ngayong araw, October 27.
Upang mailayo sa kaniyang ama na si Doc RJ (Richard Yap), pinag-resign ni Lyneth (Carmina Villarroel) ang kaniyang anak na si Dra. Analyn (Jillian Ward) sa APEX Medical Hospital.
Dahil buo na ang desisyon ng batang doktor, isang farewell party ang inihanda ng kaniyang mga katrabaho at kaibigan para sa kaniya.
Sa mismong event, nagbigay ng farewell messages ang bawat isa para sa pinakabatang neurosurgeon sa bansa.
Ngunit ang pinakanagpaluha sa mga manonood ay ang eksena nina Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) at Analyn.
Niregaluhan ni Dra. Katie ng isang mamahaling teddy bear si Dra. Analyn at kasunod nito ay niyakap nila ang isa't isa habang inaalala ang mga unang mga panahon na kanilang pinagsamahan.
Hindi lang sila ang naging emosyonal, naiyak din ang netizens sa mga eksena ng dalawang doktor.
Matatandaang madalas parusahan noon ng chief resident ang junior resident na si Analyn tuwing makakagawa ito ng mali sa loob ng ospital.
Tulad na lamang nang ipinalinis niya rito ang kaniyang kotse na naabutan pa ni Lyneth.
Panoorin ang ilang mga eksena nina Dra. Katie at Analyn DITO:
Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: