GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Mga kaibigan ni Analyn, to the rescue!

By EJ Chua
Published March 16, 2023 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ilang APEX doctors at nurses tutulungan si Analyn na makabisita kay Doc RJ #AbotKamayNaPangarap

Kaabang-abang ang mga eksenang mapapanood ngayong Huwebes, March 16, sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Habang dumadaan ang mga araw, tila mas nagiging malayo ang loob ni Lolo Pepe (Leo Martinez) sa kanyang apo na si Analyn (Jillian Ward).

Mas kinakampihan kasi ni Lolo Pepe ang akala niyang legal na pamilya ng kanyang anak na si Doc RJ (Richard Yap).

Bukod sa ilang beses na niyang napapansin na nagiging palaban na si Analyn, tila magsisimula na ring magbago ang kanyang tingin sa pamilya ni Lyneth.

Dahil sa kanyang paghihinala, pinagbawalan niya ang batang doktor na makalapit kay Doc RJ.

Ang desisyong ito ni Lolo Pepe tungkol kay Analyn ay gusto ring mangyari ni Moira (Pinky Amador) kahit noon pa.

Dahil sa ginagawa nila Lolo Pepe at Moira, mahihirapan na si Analyn na bisitahin at kausapin ang kanyang ama.

Sa episode na mapapanood mamaya, matutunghayan kung paano tutulungan ng ilang APEX doctors at nurses si Analyn na makabisita kay Doc RJ.

Panoorin sa video sa ibaba ang ilang pasilip sa mga eksenang ipapalabas mamaya:

Gagana kaya ang kanilang mga plano?

Ano pa kaya ang gagawin ni Analyn para sa kanyang ama?

Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: