
Mas mainit at mas matinding mga pasabog pa ang matutunghayan sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa episode ng serye na mapapanood ngayong Miyerkules, April 26, paghihinalaan at pagbibintangan ni Analyn (Jillian Ward) si Zoey (Kazel Kinouchi) na may kinalaman ito sa pagpapakalat ng sikreto ni Madam Giselle (Dina Bonnevie).
Matapos kasi ang event kung saan napahiya si Madam Giselle, nagsimula nang maging malayo ang loob ng CEO ng APEX kay Analyn.
Buong akala niya ay si Analyn ang may kasalanan kung bakit nabunyag na mayroon siyang inabandonang anak noon.
Dahil dito, muling nabahala ang batang doktor dahil tila nawalan na ng tiwala sa kanya ang kanyang Tita Giselle.
Wala na bang pag-asa na magkaayos ang magtiyahin?
Samantala, sa susunod na mga tagpo, mapapanood muli sina Dra. Enriquez (Che Cosio) at Doc Carlos (Allen Dizon).
Magtagumpay kaya sila na makumbinsi si Analyn na umalis na sa APEX at lumipat sa Eastridge Medical Hospital?
Mas pipiliin ba ni Analyn na umalis na lang sa ospital ng kanyang ama upang makaiwas sa mga isyu?
Dapat ding abangan ang nalalapit na pagbabalik ni Doc RJ (Richard Yap) sa hit GMA series.
Panoorin ang ilang pasilip na mga eksena sa pagbabalik ni Doc RJ sa video na ito:
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: